Ibinasura ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration ni Senator Jinggoy Estrada sa kanyang mga kaso na may kaugnayan sa umano’y hindi tamang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ayon sa Sandiganbayan, hindi kailangan ang mosyon ni Estrada.

Sa resolusyon, tinanggihan ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ni Estrada na inihain niya noong Pebrero 16, na humihiling na ipag-utos ang trasmittal ng preliminary investigation records mula sa Office of the Ombudsman sa korte.

Hiniling ni Estrada sa korte na baligtarin ang unang desisyon nito na nagbasura sa nasabing kahilingan.

Sa kanyang mosyon, iginiit ni Estrada na kailangan ang preliminary investigation records dahil gagamitin niya ito sa cross-examination ng mga testigo na iprinisinta ng co-aacused.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit sinabi ng Sandiganbayan na hindi na ito kailangan dahil ang ibang akusado ay inamin na hindi nila personal na kakilala o hindi sila nagkaroon ng transaksyon sa akusado may kaugnayan sa PDAF projects na sentro ng nasabing mga kaso.