
Iniutos ng Sandiganbayan ang paglipat kay Leyte Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez sa Quezon City Jail Male Dormitory matapos ideklarang clinically stable ng mga doktor ng Philippine General Hospital.
Ayon sa anti-graft court, hindi maaaring ilipat o palayain si Romualdez nang walang kaukulang court order.
Inilipat si Romualdez sa PGH mula Cardinal Santos Medical Center matapos siyang arestuhin kaugnay ng plunder case sa mga flood control project.
Samantala, sinabi ni Romualdez na iginagalang niya ang desisyon ng korte at haharapin niya ang mga kasong isinampa laban sa kaniya. Iginiit din niyang inosente siya sa mga alegasyon.








