Pinayagan ng Sandiganbayan 5th Division si Sen. Jinggoy Estrada na pansamantalang lumabas sa New Quezon City Jail sa Agosto 26 para magpa-X-ray ng kaniyang mga tuhod sa isang pribadong ospital.

Sa resolusyong inilabas nitong Lunes, Agosto 24, sinabi ng korte na maaaring umalis si Estrada sa kulungan bandang alas-11 ng umaga upang sumailalim sa medical procedure sa Cardinal Santos Medical Center sa ganap na alas-1 ng hapon.

Inaasahang nakabalik ang senador sa detention facility pagsapit ng alas-3 ng hapon matapos ang kaniyang appointment.Oras at Mga Kalendaryo

Kailangan ding samahan si Estrada ng mga angkop na security escort habang nasa labas ng kulungan.

Nakasaad din sa resolusyon na sasagutin mismo ng senador ang lahat ng gastusin para sa ospital, medical fees, transportasyon at iba pang kaugnay na bayarin.

-- ADVERTISEMENT --

Nauna nang kinumpirma ng kaniyang legal counsel sa Sandiganbayan 2nd Division na may osteoarthritis sa magkabilang tuhod si Estrada.

Kasalukuyang nakadetine si Estrada kaugnay ng mga kasong plunder at graft na may kinalaman sa umano’y anomalya sa flood control projects.