Inihgayag ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos na hindi siya lalahok sa mga deliberasyon sa impeachment complaints na inihain laban sa kanyang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi niya na sa pamamagitan nito ay mapapantili ang integridad ng House of Representatives.

Ayon sa kanya, ang kanyang desisyon ay hindi dahil sa usaping legal, kundi isang mas mataas na obligasyon na ipreserba ang integridad ng Kamara, para protektahan ang kredibilidad ng proseso, at itaguyod ang tiwala ng publiko sa ilalim ng Saligang Batas.

May dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Marcos.

Ang una ay inihain ni Atty. Andre de Jesus na inindorso ng Pusong Pinoy party-list Rep. dahil umano sa betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution, at iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Ganito rin ang akusasyon sa isa pang impeachment complaint na inihain ng Makabayan coalition.

Sinabi ni Congressman Marcos na dapat na pahintulutan ang Kamara na gawin ang tungkulin nito sa ilalim ng Konstitusyon na walang personal interest.