Nagpahayag ng matibay na paninindigan ang 12th Sangguniang Panlalawigan ng Cagayan kaugnay ng lumalalang palitan ng pahayag sa pagitan ng Pilipinas at Chinese Embassy tungkol sa West Philippine Sea.

Sa pangunguna ni Vice Governor Manuel Mamba, inaprubahan ang resolusyon na sumusuporta sa maingat at responsableng diplomasya, na inihain ni Board Member Romeo Garcia.

Ayon kay Garcia, direktang maaapektuhan ng tensyon ang mga OFWs, mangingisda, negosyo, at kabuhayan ng mga taga-Cagayan dahil sa istratehikong lokasyon ng lalawigan.

Nilinaw niya na ang resolusyon ay hindi panghihimasok sa kapangyarihan ng Pangulo o DFA at hindi rin politikal, kundi isang hakbang para pangalagaan ang kapakanan ng komunidad.

Pinagtibay nila ang paninindigan sa soberanya ng Pilipinas at ang kahalagahan ng mahinahong pamamahala kaysa matitinding pahayag.

-- ADVERTISEMENT --