CTTO

TUGUEGARAO CITY-Kailangang handa at may sapat na access ang mga mag-aaral at guro kung sakali na ipatupad ang online class sa darating na agosto 24, 2020.

Ayon kay Cong. France Castro ng Alliance of Concerned Teachers, bagamat hindi tutol ang kanilang grupo sa ibinabang plano ng Department of Education sa “learning continuity plan” kasama ang online class, dapat siguraduhin ng ahensiya na hindi magkakaroon ng discrimination sa mga mag-aaral.

Aniya, kailangan lahat ng mga estudyante maging ang mga guro ay may gadget at makaka-access ng internet para mapagtagumpayan ang nasabing plano at walang maiiwan na mag-aaral dahil sa kawalan ng gamit.

Imposible naman para kay Castro na maipatupad sa Agosto 24, 2020 ang face to face learning dahil tumataas pa rin ang bilang ng mga kaso ng virus sa bansa.

Dahil dito, nanawagan si Atty. Castro sa gobyerno unahin ang health protocols at ang mass testing bago ang hakbang para sa balik-eskwela ng mga mag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Cong. France Castro