Tuguegarao City- Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang pagkakaroon ng sapat na isolation facilities para sa mga nastranded na mga mag-aaral at manggagawa bunsod sa pinairal na enhanced community quarantine.
Sa panayam kay Cong. Allen Jess Mangaoang ng Kalinga, inaasahang aabot sa 3-4k na mga studyante at stranded workers ang uuwi sa kanilang lalawigan na mag mumula sa iba’t-ibang lugar.
Bilang bahagi ng pag-iingat ay kailangang paigtingin ang pagpapatupad ng mga protocols at mga guidelines upang mapanatiling ligtas ang kanilang lalawigan sa banta ng COVID-19.
Ayon sa opisyal, nagkaroon na ng MOA signing ang provincial government ng Kalinga katuwang ang DepEd sa kanilang bayan upang gamiting isolation facilities ang ilang bahagi ng mga paaralan.
Giit pa ng opisyal ay kailangang dumaan sa 14day quarantine ang sinumang indibidwal na uuwi sa kanilang probinsya.
Sa ngayon ay patuloy aniya ang mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntinin kahit isinailalim na sa GCQ ang lalawigan ng kalinga.
Ito ayon sa kanya ay upang mapanatiling ligtas ang kanilang lalawigan sa banta ng nakakahawang virus na dulot ng COVID-19 pandemic.
Samantala, patuloy naman ang mahigpit na monitoring ng mga otoridad sa nakalatag na checkpoints sa bawat entry and exit point sa lugar.
Inihayag pa ng opisyal na bagamat gumaan ang daloy ng mga sasakyan ay kailangan pa ring ipatupad ang mga restrictions at limitahan ang galaw ng mga pampasaherong sasakyan.
Kabilang pa aniya dito ang pagsunod sa mahigpit na ipinatutupad na social distancing.