BINATIKOS ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang social media post ni private prosecutor Armando Ligutan tungkol sa paggamit umano ng misleading questions sa cross-examination sa impeachment trial.

Ayon kay Vice President’s lead counsel Sheila Sison, hindi naaangkop ang naturang post habang nagpapatuloy ang pagdinig dahil ipinagbabawal umano ng Rule 18 ng impeachment rules ang pagkomento ng mga kalahok tungkol sa merits ng kaso.

Iginiit ni Sison na hindi naman direktang sinagot ni defense lawyer Kristine Ferrer ang pahayag ni private prosecutor Lorna Kapunan tungkol sa misleading questions. Aniya, ang tinutukoy ni Ferrer ay ang paggamit ng leading questions sa cross-examination.

Samantala, hiniling ng House lead prosecutor Gerville Luistro na kilalanin sa impeachment court si Ligutan, ngunit hindi ito pinagbigyan ni Presiding Judge Francis Escudero.

Ayon kay Escudero, mino-monitor na ng clerk of court ang mga public statement ng mga abogado at naghahanda siya ng ruling, warning at order kaugnay sa umano’y paglabag sa Rule 18.

-- ADVERTISEMENT --

Pakinggan naman si Ligutan sa Agosto 17 bago maglabas ng ruling ang impeachment court. Iginiit niya na walang malisya ang kanyang post at hindi niya ito buburahin dahil naniniwala siyang hindi niya nilabag ang sub judice rule.