
Nag-plead not guilty kaninang umaga ang nakakulong na contractor na si Sarah Discaya kasama ang walo pang kapwa akusado sa kasong graft and malversation na may kaugnayan sa P96,5 million “ghost” flood control project sa Davao Occidental.
Isinagawa ang pagbasa ng sakdal sa mga akusado sa Regional Trial Court Branch 27 ng Lapu-Lapu City sa Cebu.
Una rito, sinabi ng Bureau of Jail Management of Penology in Lapu-Lapu City na magpapatupad sila ng mahigpit na protocols sa pagharap ni Discaya sa korte.
Inakusahan si Discaya at walong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pagsasabwatan umano para mailabas ang P96.5 million pata sa paggawa ng revetment project sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental, na hindi umano kailanman ginawa.
Hinuli ay ikinulong si Discaya nitong buwan ng Disyembre.
Inilipat ang kanyang kaso sa Lapulapu City Regional Trial Court, bilang pagtugon sa guideline ng Supreme Court na ang dapat na hahawak sa infrastructure corruption cases ay ang pinakamalapit na anti-graft court.










