Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang baybayin ng Saranggani, Davao Occidental ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang pagyanig kaninang 7:07 a.m.
Sinabi ng PHIVOLCS na ang epicenter ng lindol ay sa 04.91°N, 126.16°E – 098 km S 50° E of Sarangani Island sa bayan ng Saranggani.
Ang lalim ng lindol ay 10 km at tectonic ang origin.
Naramdaman din ang intensity V na pagyanig sa Malungon, Sarangani.
Samantala, naiitala ang Intensity IV sa Kiamba, Saranggani, at General Santos City sa South Cotabato.
Intensity III naman sa Magsaysay, Davao City, at Matanao sa Davao del Sur; Don Marcelino sa Davao Occidental; Nabunturan sa Davao de Oro; Gingoog City in Misamis Oriental; Maasim, Glan, and Maitum in Sarangani; T’Boli, Suralla, Banga, at Koronadal City sa South Cotabato; at Lambayong sa Sultan Kudarat.