Humiling si House Committee on Justice chair at Batangas Rep. Gerville Luistro sa Korte Suprema ng paglilinaw kung maaari nang maghain ng panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, dahil sa magkakaibang interpretasyon ng one-year bar rule.

Ipinaliwanag ni Luistro na ayon sa unang desisyon ng Korte Suprema, ang one-year prohibition ay ibinatay sa impeachment complaint na inihain ng one-third ng House noong Pebrero 5, 2025, kaya maaari lamang maghain muli matapos ang Pebrero 6, 2026.

Gayunman, batay naman sa kamakailang SC resolution na nagdeklara ng unconstitutionality ng Articles of Impeachment, itinuturing na deemed initiated ang mas naunang reklamo noong Disyembre 2, 2024, matapos hindi ito aksyunan ng Kamara hanggang Enero 14, 2025. Dahil dito, posibleng nagwakas na ang one-year ban noong Enero 15, 2026.

Dahil sa kalituhan kung aling petsa ang dapat sundin, umaasa si Luistro na magbibigay ng malinaw na gabay ang Korte Suprema.