Hinihiling ng Korte Suprema (SC) sa Senado, Kamara ng mga Kinatawan, at sa House Secretary General na magbigay ng kanilang komento sa petisyon ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte na layong ipawalang-bisa ang ika-apat na impeachment complaint laban sa kanya.

Inihain ni Pangalawang Pangulo Duterte ang Petisyon para sa Certiorari at Prohibition na may kasamang hiling na Temporary Restraining Order (TRO) sa SC.

Ayon kay Duterte, nilabag ng impeachment complaint na isinampa laban sa kanya ang Artikulo 11 Seksyon 3, talata 5 ng Saligang Batas na nagsasaad na hindi maaaring magsimula ng impeachment proceedings laban sa parehong opisyal ng higit sa isang beses sa loob ng isang taon.

Ang reklamo laban kay Duterte ay nananatiling nakabinbin sa Senado na hindi pa nagtitipon bilang isang impeachment court.

Nahaharap si Pangalawang Pangulo Duterte sa impeachment complaint sa Senado dahil sa umano’y maling paggamit ng mga confidential funds sa ilalim ng Department of Education (DepEd) at Office of the Vice President.

-- ADVERTISEMENT --

Wala pang aksyon ang SC hinggil sa hiling ni Duterte na mailabas ang TRO.