Kinansela ng Supreme Court of the Philippines ang tradisyunal nitong summer sessions sa Baguio City ngayong taon dahil sa pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa korte, bahagi ito ng kanilang energy conservation measures sa ilalim ng Memorandum Circular No. 02-2026 na ipinatupad noong Marso 8, 2026, bilang pakikiisa sa hakbang ng pamahalaan.

Ipinahayag ni Alexander Gesmundo ang desisyon matapos kumonsulta sa SC En Banc, at binigyang-diin ang responsibilidad ng hudikatura na isaalang-alang ang kasalukuyang kalagayan ng bansa habang patuloy na naghahatid ng serbisyo ng hustisya.

Sa halip, ang nakatakdang summer sessions mula Abril 6 hanggang Abril 30, 2026 ay isasagawa sa Maynila, kabilang ang pagdinig sa mga petisyon kaugnay ng 2024-2026 General Appropriations Act at foreign divorce.

Nananatili namang bukas ang korte sa muling pagsasagawa ng summer sessions sa Baguio kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon.

-- ADVERTISEMENT --