Pinagsusumite na ng kumento ng Korte Suprema ang ilang mga respondents para sa petisyong kume-kwestyon sa ginawang pagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Kung maaalala, nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Republic Act No. 12232 na layong i-extend sa apat na taon ang termino ng barangay officials na naging dahilan din para ma-move ang BSKE mula Disyembre ngayong taon, papunta sa unang Lunes ng November 2026.
Hinihingan ng kumento ng Supreme Court ang Commission on Elections (COMELEC), Senado, Kamara, at si Executive Secreary Lucas Bersamin sa loob ng 10 araw.
Ang nag-file ng petisyon para kwestyunin ang hakbang ay ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal.
Humihirit din siya sa Supreme Court na mag-issue ng temporary restraining order (TRO) para mapigilan ang implementasyon ng batas.