Inatasan ng Korte Suprema ang Kamara de Representantes at Senado na magsumite ng mga dokumentong magpapaliwanag sa mga pagbabagong ginawa ng bicameral conference committee sa 2024 national budget.

Sa pagdinig ng mga petisyon kaugnay ng unprogrammed appropriations sa mga pambansang badyet ng 2024, 2025, at 2026, sinabi ni Senior Associate Justice Marvic Leonen na nais ng hukuman na makita ang mga batayan ng karagdagang pondong isinama sa bicameral report.

Ayon kay Leonen, magkatugma ang National Expenditure Program at ang mga bersyon ng budget na inaprubahan ng Kamara at Senado, ngunit lumaki umano ito ng humigit-kumulang P400 hanggang P500 bilyon matapos dumaan sa bicameral conference committee.

Hiniling din ng Korte Suprema ang sertipikasyon at paliwanag kung paano kinuwenta at inilaan ang mga pondong ito kung walang kaukulang dokumentasyon.

Samantala, tiniyak ni Solicitor General Darlene Berberabe na susunod ang pamahalaan sa kautusan ng Korte Suprema.

-- ADVERTISEMENT --