Barangay Schedule ng pamamalengke sa Iguig

Inilabas na ng pamahalaang lokal ang schedule ng bawat barangay sa pamamalengke sa pamilihang bayan ng Iguig bilang paghihigpit sa mga taong lumalabas habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Ayon kay Iguig Market Administrator Patrick Doliente, sinimulan na ngayong araw ang bagong oras sa operasyon ng public market na magbubukas na lamang mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng umaga upang maiwasan ang dami ng tao.

Bukod sa oras, pinaalalahanan ni Doliente ang mga residente na tanging ang mga may “Home Quarantine Pass” lamang ang papayagang makalabas ng barangay at makapamili sa pamilihang bayan.

Kailangan lamang itong dalhin sa nakatakdang araw at oras ng pamamalengke ng inyong barangay kung saan mahigpit na paiiralin ang Social Distancing (1 metro ang pagitan sa bawat isa) sa palengke para kaligtasan ng mga nagtitinda at namimili.

Tinig ni Patrick Doliente, market administrator

Sa katunayan, matapos ang isinagawang dis-infection ay inilipat na ang mga dry goods sa nabiling lote ng munisipiyo.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak naman ni Doliente na sapat ang suplay sa dry at wet market para sa 23 barangay ng Iguig.