
Binawi ng petitioners ang pangalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng kanilang letter of withdrawal sa House Secretary General kanina.
Sinabi ni Kiko Aquino Dee ng Tindig Pilipinas na binawi nila ang kanilang reklamo at nagdesisyon na suportahan ang pangatlong impeachment complaint, na naglalaman ng parehong grounds ng kanilang isinumite.
Ayon kay Dee, ito ay para mas mapabilis ang impeachment proceedings.
Sinaman ang private complainants nina Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña at ML Partylist Rep. Leila de Lima na kapwa nagpahayag ng kanilang suporta sa pangatlong impeachment complaint laban kay Duterte.










