
Nasawi ang isang security guard sa Barangay Mabuhay, General Santos City matapos barilin habang natutulog.
Batay sa imbestigasyon ng General Santos Police Station 9, nangyari angi nsidente habang natutulog ang biktima sa stockhouse ng pinagtatrabahuhan niyang security agency.
Ayon sa pulisya, dalawang tao ang itinuturing na persons of interest (POI), kabilang ang nakainuman at nakaalitan ng biktima sa isang tindahan bago ito barilin.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng pulisya ang unang POI.
Samantala, kabilang din sa iniimbestigahan ang kasamahan ng biktima sa nasabing agency na dati rin umano niyang nakaaway.
-- ADVERTISEMENT --
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa totoong sanhi o motibo sa pagpaslang sa biktima.










