Nagpakita si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado sa unang pagkakataon buhat nang maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 11.
Unang dumalo si Dela Rosa sa Senate inquiry sa paglaganap ng online sexual abuse at exploitation sa mga bata sa ating bansa at pumunta sa pagdinig sa pag-aresto kay Duterte.
Bago ang pagpunta sa pagdinig, sandaling nag-usap sila ni Senate President Francis “Chiz” Escudero at Senator Imee Marcos, na chair ng Foreign Relations Committee.
Sa panayam, sinabi ni Dela Rosa na ito ang unang pagkakataon na bumalik siya sa Manila, kung saan huli siyang nakita sa National Capital Region nang dumalo siya sa prayer rally para kay Duterte sa Liwasang Bonifacio noong March 15.
Sinabi ni Dela Rosa na nagmo-motor siya sa pagpunta sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon sa Senador, dumalo siya sa Senado para dumalo sa inquiry tungkol sa pag-aresto kay Duterte bilang tugon sa kahilingan ni Sen. Marcos.
Sinabi ni Dela Rosa na umaasa siya na malilinawan ang mga issue sa pag-aresto kay Duterte, subalit walang dumalo swa cabinet officials sa pagdinig kanina.
Matatandaan na sinabi ni Dela Rosa na handa siyang sumuko sa mga awtoridad at sasamahan si Duterte sa detention facility sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.