Inihayag ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na ikinokonsidera niya na magtago sa halip na sumuko sakaling ipatupad ng mga awtoridad ang warrant of arrest na ilalabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Sinabi ni Dela Rosa na kung wala siyang makikita na hustisya sa bansa ay hindi siya susuko at magtatago.

Taliwas ito sa kanyang unang mga sinabi na handa niyang samahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Ayon sa kanya, handa siyang sumuko kung may warrant of arrest laban sa kanya ang ICC.

Subalit, inamin din niya na maaari siyang manatili sa Senado habang may sesyon upang hindi siya maaresto hanggat walang desisyon sa inihain nilang petisyon sa Korte Suprema na humihiling na pabalikin sa bansa si Duterte.

-- ADVERTISEMENT --

Si Dela Rosa na dating PNP chief, ang nagpatupad ng war on drugs ni Duterte, at kasama siya sa mga kinasuhan sa ICC dahil sa crimes against humanity.