Inihayag ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na huwag siyang iboto kung sa tingin ng mga ito ay masama siyang tao.
Sinabi ito ni dela Rosa sa kanyang paghahain ng kanyang certificate of candidacy at muling tatakbo bilang Senador.
Sagot ito ni dela Rosa nang tanungin siya kung makakaapekto ba sa kanyang kandidatura ang imbestigasyon ng Kamara sa drug war killings.
Siya ang hepe ng Philippine National Police sa panahon ng drug war ng Duterte Administration.
Binigyang-diin ni dela Rosa na isang malaking demolition job ang imbestigasyon ng Kamara laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga kaalyado.
Iginiit niya na hindi inilunsad ng Duterte administration ang drug war para kumita sila ng pera.
Ayon sa kanya, ang kampanya ay para isalba ang kinabukasan ng mga kabataan na biktima ng illegal drug trade.
Sina Duterte at dela Rosa ay kabilang sa mga opisyal ng gobyerno na inaakusahan ng crime against humanity ng mga pamilya ng mga drug war victims sa International Criminal Court.