Lasing umano sa kapangyarihan si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Major General Nicolas Torre III na nag-implementa ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ito ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, nang tanungin siya kung ano ang kaniyang masasabi bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) sa naging pag-implementa ni Torre sa pag-aresto kay Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Marso 11, 2025 dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.
Samantala, sa naturang panayam ay kinuwestiyon din ng senador kung “santo” raw ba sina Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, na siyang sumagot sa nauna niyang pahayag na magtatago na lamang siya sa halip na sumuko sa ICC kung hahainan siya ng warrant of arrest.
Matatandaang si Dela Rosa ang naging hepe ng PNP nang iimplementa ang war on drugs ng dating Pangulo.