Isinusulong ngayon ni Senator Erwin Tulfo ang isang panukalang batas na magtatanggal ng suweldo at allowances ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kapag sila ay absent nang walang malinaw at valid na dahilan.

Sa ilalim ng panukala, saklaw nito ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga senador, kongresista, cabinet secretary, at iba pang department heads.

Ayon kay Tulfo, layunin ng panukala na itaguyod ang pantay na pamantayan sa pagitan ng mga ordinaryong empleyado ng gobyerno at ng mga mataas na opisyal.

Kasama rin sa panukala ang pagbawi ng mga allowances ng mga opisyal na absent without proper leave (AWOL), upang masiguro umano ang pananagutan sa serbisyo publiko.

Binigyang-diin din niya na naging “nakasanayan” na umano ang ganitong sistema kung saan may mga opisyal na patuloy na tumatanggap ng suweldo kahit matagal na hindi pumapasok sa trabaho.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nauna nang naiulat na si Senator Ronald ”Bato” dela Rosa ay hindi nakadalo sa sesyon ng Senado sa loob ng ilang buwan, habang si dating Senator Jinggoy Estrada naman ay humiling na itigil ang kanyang suweldo habang siya ay pansamantalang hindi nakapagtrabaho matapos maaresto.