Tumanggi si Senator Sherwin Gatchalian na kumpirmahin o itanggi ang mga tsismis kaugnay sa posibleng breakup kay actress Bianca Manalo.
Sa isang press conference, sinabi ni Gatchalian na hindi siya nagbibigay ng comment tungkol sa kanyang personal na buhay.
Kasabay nito, sinabi ng Senador na masaya naman siya bilang isang tao.
Lumabas ang mga tsismis na hiwalay na sila ni Bianca nang mag-post si Gatchalian ng holiday photos kasama ang kanyang pamilya, subalit wala ang aktres.
Mas pinili naman ni Bianca na magbakasyon sa ibang bansa, kung saan nag-Pasko at Bagong Taon siya sa Japan.
Noong December 2023, nasangkot si Bianca sa kontrobersiya sa kanyang Magandang Dilag co-star Rob Gomez dahil sa lumabas na screenshots ng kanilang pag-uusap na nagpapahiwatig na mayroon silang relasyon.
Subalit, binigyang-diin ni Bianca na wala itong katotohanan at walang basehang akusasyon, habang sinabi naman ni Gatchalian na matatag ang kanilang relasyon.