Umaasa si Senator Sherwin Gatchalian na sasabihin ni dating Bamban Mayor Alice Guo ang kanyang mga kasabwat at ang mga tumutulong sa kanya sa pamahalaan sa sandaling haharap muli siya sa Senado kasunod ng kanyang pagkakaaresto sa Indoensia kagabi.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Gatchalian ang mga otoridad ng Indonesia at ang National Bureau of Investigation dahil sa mabilis nilamg aksion sa paghuli kay Guo at kanyang mga kasamahan.

Sinabi ni Gatchalian na matapos na maproseso si Guo sa NBi at Bureau of Immigration, dapat na dalhin din siya sa Senado, dahil tanging ang Senado lamang ang may standing warrant of arrest laban sa kanya.

Idinagdag pa niya na kailangan na panagutin si Guo sa mga kasong isinampa laban sa kanya, tulad ng human trafficking, money laundering, quo warranto, paglabag sa kautusan ng Senado, at iba pa.

Iginiit ni Gatchalian na mahalaga na harapin ni Guo ang hustisya sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na ipinag-utos ng Senado ang pag-aresto kay Guo matapos ang ilang beses na kabiguan nito na humarap sa imbestigasyon ng committee on women sa alegasyon na may kaugnayan siya sa Philippine offshore gaming operators (Pogos) sa kanyang bayan sa Bamban.