Umaasa si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na mas mapapabilis o hindi mauuwi sa kaparehong sitwasyon ang ginagawang pag-aresto kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa patuloy na pagtugis kay Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos na hindi nakita ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA)si Guo sa kanilang pagpunta sa kanyang bahay at garment factories sa Bulacan, Valenzuela at Balintawak.

Sinabi ni Hontiveros na maituturing na positibo ang pagkahuli sa isa tauhan ni Quiboloy na si Paulene Canada bagamat hindi pa nahuhuli ang pastor.

Ganito rin ang nangyari sa sitwasyon ni Guo na hindi siya nahuli ng OSAA pero naaresto naman ang isa niyang tauhan.