Kinumpirma ni Senadora Imee Marcos na nakipagpulong siya kay Atty. Nicholas Kaufman, ang legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Kasama niya sa pagpunta sa The Hague, Netherlands si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Marcos, ibinahagi niya kay VP Sara ang kanyang pagkaunawa sa sakit ng pagiging malayo sa sariling bayan.

Aniya, mula pa noong simula ay alam na ni VP Sara ang kanyang saloobin ukol sa umano’y hindi makatarungang sinapit ng dating pangulo.

Dagdag pa ng senadora, isa siyang Marcos na natuto na mula sa aral ng kasaysayan, lalo na sa naging karanasan ng kanilang pamilya nang mapatalsik at mapilitang manirahan sa ibang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa siya na may magagawa upang makauwi sa Pilipinas si Duterte.