Wala raw problema kay Senador Imee Marcos kahit hindi siya binanggit ng kaniyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos sa campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas slate sa Trece Martires, Cavite, noong Biyernes.

Nangyari ito matapos pangunahan ni Sen. Imee ang pag-imbestiga sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes.

Nauna na ring sinabi ng senadora na hindi siya dadalo sa naturang campaign rally ng Alyansa dahil mas mahalaga raw para sa kaniyang pagtuunan ang imbestigasyon ng naging pag-aresto kay Duterte.

Kaugnay nito, inamin din ni Sen. Imee na matagal na silang hindi nag-uusap ng kaniyang kapatid.