Tumanggi muna si Senadora Imee Marcos na mapabilang sa slate na inilabas ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa anunsyo ng Senadora, mas pinipili umano niyang maging malaya at tapat para sa bawat Pilipino.

Ayon sa senadora, ayaw niya ring makaramdam ng ‘alinlangan’ ang kanyang mga ‘tunay na kaibigan’.

Pero paglilinaw niya, taus-puso ang kanyang pasasalamat sa pangulo sa patuloy na pagtatanggol nito at pagsama sa kanya sa alyansa.