Nagtungo sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City si detained Senator Jinggoy Estrada ngayong Miyerkules para sa kanyang nakatakdang X-ray sa tuhod.

Pinayagan siya ng Sandiganbayan Fifth Division na pansamantalang lumabas ng New Quezon City Jail para sa medical procedure na kanyang sariling gastos.

Ayon sa kanyang kampo, inaasahang magbibigay ng pahayag sa media ang orthopedic surgeon ni Estrada matapos ang procedure.

Inatasan naman siyang bumalik sa detention facility bago mag-alas-3 ng hapon matapos ang kanyang medical appointment. Nahaharap si Estrada sa mga kasong plunder at graft kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

-- ADVERTISEMENT --