Hinamon ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang Department of Justice at National Bureau of Investigation na papanagutin at arestuhin ang mga tinawag niyang “untouchable smugglers” na sangkot umano sa agricultural smuggling.

Ayon kay Pangilinan, naaapektuhan nito ang mga magsasaka, mangingisda at consumers, habang maaari rin itong magdulot ng panganib sa kalusugan.

Sa pagdinig sa 2027 budget ng DOJ, sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na paiigtingin nila ang operasyon laban sa agricultural smuggling, alinsunod sa rule of law.

Samantala, umabot sa P136.59 milyon ang halaga ng mga agricultural products at sigarilyong nasabat kamakailan sa Subic.