
Ipinahayag ni Senator Imee Marcos ang suporta sa posibleng pagpapaliban ng 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), at iginiit na mas mainam na ilaan ang pondo para sa mas agarang pangangailangan ng bansa.
Ayon sa senadora, ang tinatayang ₱16 bilyong badyet para sa halalan ay maaaring i-realign upang tugunan ang epekto ng krisis sa langis at pondohan ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.
Binigyang-diin niya na mas mahalaga ang tuloy-tuloy na serbisyo sa mga barangay kaysa sa usaping pampulitika, lalo na sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya.
Samantala, nananatiling mataas ang presyo ng langis at mga pangunahing bilihin bunsod ng tensyon sa Middle East, na nag-udyok sa ilang mambabatas na pag-aralan ang paglipat ng pondo para sa mga agarang programa ng gobyerno.










