May bago ng president ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa katauhan ni Senator Robin Padilla.

Pinalitan ni Padilla si Palawan Second District Rep. Jose Chaves Alvarez na nagbitiw sa kanyang posisyon.

Bilang bagong presidente ng PDP, ipagpapatuloy ni Padilla ang consolidation ng party membership at maghanda para sa 2025 mid-term elections na sinimulan ni Rep. Alvarez.

Sinabi ng partido na tiwala sila na nasa mabuting kamay ang PDP sa liderato ni Padilla.