Nagpasya ang Senado na isantabi na muna ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang hakbang ay bilang pagtugon sa executory decision ng Korte Suprema sa pagbasura sa impeachment complaints.
Nakakuha ng kabuuang boto na 19 na Senador ang pumayag na i-archive na ang kaso habang mayroong apat ang komontra at isa naman ang nag-abstain.
Ang mga bumoto ng yes ay kinabibilangan nina : Senators-Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano,Ronald Dela Rosa, JV Ejercito, Francis Escudero, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Bong Go, Lito Lapid, Loren Legarda, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Robinhood Padilla, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Joel Villanueva, Camille Villar, Mark Villar at Juan Miguel Zubiri.
Habang ang mga kumontra ay kinabibilangan nina: Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, Risa Hontiveros, Francis “Kiko” Pangilinan at Sen. Vicente “Tito” Sotto III.
Habang nag-abstain naman si Sen. Panfilo Lacson.
Magugunitang unang hiniling ni Sen. Marcoleta na ibasura na lamang ang impeachment case laban kay VP Duterte hanggang pumayag na lamang ito na isantabi ito.
Una ng ipinaliwanag ni Sen. Alan Peter Cayetano, na ang paglalagay sa archive sa impeachment case ni VP Duterte ay hindi nangangahulugan na ito ay patay na at sa halip ay maaring buhayin sakaling baligtarin ng Korte Suprema ang desisyon nito.