Inihayag ni Senate President Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules ng gabi na umano’y nasa ilalim ng pag-atake ang Senado habang naka-lockdown ang gusali kasunod ng warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Cayetano, apat na senador ang nakatanggap ng impormasyon na dapat silang umalis sa Senado dahil may posibleng mangyari habang nagpupulong ang mga mambabatas kaugnay ng impeachment proceedings at iba pang usapin sa Kamara Alta.

Sinabi rin ni Cayetano na mataas ang tensyon sa loob ng Senado dahil hinihintay nila ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na naihatid din noong gabing iyon.

Kinumpirma rin umano ng Senate Sergeant-at-Arms na may naganap na putukan sa loob ng compound ng Senado. Dahil dito, nanawagan si Cayetano sa mga opisyal ng pamahalaan na agarang tugunan ang sitwasyon.

Samantala, narinig sa live news footage ang sunod-sunod na putok at nakita rin ang ilang taong nagtakbuhan sa loob ng gusali.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa protective custody ng Senado si Dela Rosa matapos kumpirmahin ng International Criminal Court na naglabas ito ng warrant of arrest laban sa senador kaugnay ng madugong war on drugs ng administrasyong Duterte.