Binigyang-diin ni Senador Robin Padilla na tila iniisa-isa na ang kanilang grupo kung kaya’t hindi na magtatagal pa at baka siya naman daw ang magiging susunod na target.

Ayon kay Padilla, ang katanungan na lang daw na natitira ngayon ay kung isu-shoot ba siya rito sa Pilipinas o ipapadala siya sa The Hague, Netherlands.

Pagpapaliwanag niya, kaya niya naisip na baka ipadala siya sa The Hague ay dahil ang sinasabi raw na ‘obstruction of justice’ laban sa kanya ay dahil lang sa warrant of arrest na galing sa ICC at hindi naman galing sa bansa.

Samantala, kung ganito man ang mangyayari, napatanong na lang ang senador kung saan daw kaya mapupunta ang bansa kung ang pawang mga nakikipaglaban para sa katotohanan ay hahayaang makulong.

Kasunod nito, nakiusap rin siya sa publiko na huwag maging makasarili dahil kung tutuusin ay masarap na raw ang buhay niya lalo pa’t maganda ang kanyang asawa.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa niya, pwede naman din siyang mag-artista dahil ang daming leading lady pero nagtitiis siya para sa bawat mamamayang Pilipino.