Ilalabas bukas ng Senate Impeachment Court ang ruling kaugnay sa mga inilalabas na public statements ng mga abogado ng prosekusyon at depensa sa mga interviews at social media.

Kung matatandaan noong nakaraang linggo ay inalmahan ng defense team ang social media post ni Atty. Amando Ligutan tungkol sa post nito sa misleading questions.

Ayon kay Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, mayroon nang nakahanda sanang ruling si presiding officer Chiz Escudero ngayong araw pero dahil sa hindi naaayon sa sitwasyon ngayon na maraming kababayan ang stranded sa baha at patuloy na pag-ulan ay minabuting bukas na lamang ilabas ang ruling tungkol dito.

Tiniyak ni Tongol na kasama sa ikinunsidera ni Escudero ang panig ng prosekusyon na ang naging pahayag ni Ligutan sa publiko partikular sa social media ay hindi naman tungkol sa merito ng kaso kundi ito ay procedural lamang kaya walang basehan para sila ay isyuhan ng warning o ruling.

Sinabi ni Tongol na bibigyan naman ng pagkakataon si Ligutan na magpaliwanag bukas tungkol sa kanyang social media post laban sa prosekusyon bago maglabas ng ruling ang Senate Impeachment Court.

-- ADVERTISEMENT --