Humingi ng pang-unawa at pasensya si Senate impeachment court presiding officer Francis “Chiz” Escudero sa publiko at mga senator-judge sa gitna ng mainitang pagtatalo ng prosecution at defense counsels habang tumetestigo si Atty. Michael Poa.

Nangyari ito sa ika-21 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kung saan nagpalitan ng maaanghang na salita sina prosecution counsel Benjamin Tolosa Jr. at defense lead counsel Sheila Sison kaugnay ng testimonya ni Poa sa umano’y maling paggamit ng confidential funds.

Sinabi ni Escudero na bahagi ito ng proseso upang mapangalagaan hindi lamang ang karapatan ng respondent kundi pati ng testigo. Idineklara naman ng impeachment court si Poa bilang hostile witness matapos siyang tawagin ng prosecution kahit bahagi siya ng defense team.

Sa isang punto, pinatanggal din ni Escudero sa rekord ang pahayag ni Tolosa na “abogadong walang alam” matapos itong tutulan ng depensa.

-- ADVERTISEMENT --