Kinumpirma ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo “Ping” Lacson na muling magsisimula ang pagdinig sa senado ng mga umano’y anomalya sa flood control projects sa Enero 19.

Ayon kay Lacson, magsisimula ito ala-1 ng hapon. Kung saan, tatalayakin sa pagdinig ang umano’y pag-atras ng mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bulacan na sina Brice Hernandez at Henry Alcantara sa kanilang mga isinalaysay sa senado.

Dagdag pa ng senador, bagama’t sinabi ng Department of Justice (DOJ) na walang pormal na isinagawang pagbawi si Alcantara sa kanyang mga ibinunyag na umano’y anomalya sa proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno sa isinagawang pagdinig sa senado noong Setyembre 2025, paguusapan parin kung ano ang mga maaring maging kaparusahan kung sakaling bawiin ng mga nasabing dating opsiyal ng DPWH ang kanilang mga sinumpaang salaysay sa blue ribbon committee.

Binigyang-diin din nito nalilinawin ng senado sa DOJ kung nag sumite ng kanilang counter affidavit sa kanilang mga binitwang salita ang mga dating opsiyal ng DPWH. Kung saan, tiniyak ni Lacson na tataasan ang magiging kaparusahan kung sakaling mapatunayan ang pag-atras.

Samantala, ipinaliwang naman ni Lacson na kung sakali man na umatras sina Alcantra at Hernandez sa pagiging testigo ay maaring paring ipagpatuloy ang isinasagawang imbesitigasyon dahil mayroon pang ibang ebidensya na makakapgturo sa mga sangkot sa flood control projects katulad ng money trail o paggalaw ng pera na nakadikit, may kinalaman o konektado sa testimonya ng mga dating opisyal ng DPWH na maaring ikonsidera ng DOJ o Ombudsman para imbestigahan.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, ipapatawag ng blue ribbon committee sina dating Department of Education (DepEd) undersecretary Trygve Olaivar, dating DPWH secretary Manuel Bonoan at iba pang resource person na hindi dumalo sa mga unang pagdinig at papaldahan ng subpoena ang mga muling hindi dadalo.

Habang pinagiisipan din kung iimbetahan sa pagdinig si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste kaugnay ng paglalantan nito ng nasabing “Cabral files”.