Pormal nang ipinasa ni Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III kay Senate President Sherwin Gatchalian ang tanggapan ng Senate President nitong Lunes, Oktubre 12.

Naupo si Gatchalian bilang pangulo ng Senado noong Hunyo 2026 matapos mapatalsik sa puwesto si Senador Alan Peter Cayetano. Bago si Cayetano, pinamunuan ni Sotto ang Senado mula Setyembre 2025 hanggang Mayo 2026.

Nahalal naman si Sotto bilang Senate President Pro Tempore noong Hunyo, kasunod ng pagbabago sa pamunuan ng mataas na kapulungan.

Naganap ang turnover kasunod ng kontrobersiya sa dating tanggapan ni Senador Jinggoy Estrada, na iniwang walang mga muwebles at ilang kabit, kabilang ang mga saksakan ng kuryente at tiles. Ipinaliwanag ng kampo ni Estrada na nakasanayan na umano sa Senado ang pagtanggal ng ilang kagamitan sa tanggapan ng mga senador na aalis dito.

Sinuri rin ng mga kinatawan ng Office of the Ombudsman ang bakanteng tanggapan ni Estrada. Kasalukuyan siyang nakakulong sa Quezon City Jail matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder na walang piyansa.

-- ADVERTISEMENT --