Ipinunto ni Senator Nancy Binay na hindi siya nagalit nang umalis sa pagdinig ng Senate Committee on Accounts hinggil sa isyu ng New Senate Building (NSB).
Aniya, umalis siya sa pagdinig matapos marinig mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na walang dokumento na sumusuporta sa ₱23 bilyon na halaga na pinipilit ni Committee on Accounts Chairman Senator Alan Peter Cayetano.
Sinabi niya na iyon lamang ang kanyang hiling na kumpirmasyon mula sa DPWH at nagpasalamat bago nagpasyang umalis sa pagdinig at ayaw niyang palalain ang sitwasyon at sirain ang imahe ng Senado kaya napagpasiyahan niyang umalis na lamang sa pagdinig.
Bukod pa dito ay ipinunto rin ni Binay na magiging magalang siya kay Cayetano kahit pa man may mga personal na isyu.