
Ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros na posibleng sangkot sa money laundering ang isang kumpanyang Ukrainian na nagpadala ng pondo sa Cale88 Foods Corporation, na kabilang sa mga negosyo ni Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Hontiveros, ang kumpanyang Arkmen LLC ay may kaparehong registration number at address sa isang kumpanyang sangkot sa kasong fraud at money laundering na may kaugnayan sa 1.225 milyong euro.
Sinabi rin ng senadora na nag-utos ang korte sa Kyiv, Ukraine, ng paghahalughog sa tanggapan ng kumpanya noong Marso 2026 at pag-freeze sa kabuuang pagmamay-ari nito noong Abril.
Dagdag pa niya, nagpadala pa rin umano ng pera ang Arkmen LLC sa CALE88 noong Mayo 30, 2025, matapos simulan ang kasong kriminal.
Samantala, sinabi ng kinatawan ng Bureau of Internal Revenue na kung ang mga naturang transaksyon ay lehitimong benta, dapat naitala ang mga ito sa taunang income tax return.










