Inihayag ni Senador Risa Hontiveros na seryoso niyang ikinokonsidera ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028 national at local elections.

dagdag pa niya, na naghahanda rin ang kanilang hanay upang makapili ng pinakamalakas na kandidato na maihaharap sa mga botante sa susunod na halalan.

Gayunman, iginiit ng senadora na handa siyang magbigay-daan kung may mas malakas na kandidatong mapagkakaisahan ng oposisyon.

Noong Pebrero, sinabi ni Hontiveros na inaasahang iaanunsyo ng oposisyon ang kanilang kandidato sa pagkapangulo para sa 2028 elections bago matapos ang taon o sa unang bahagi ng 2027.

Magtatapos ang termino ni Hontiveros bilang senador sa 2028.

-- ADVERTISEMENT --