
Kinumpirma ni Senador ronald bato dela rosa na tumulong ang bagong halal na si Senate President Alan Peter Cayetano sa kaniyang pagpunta sa Senado.
Sinabi ni ng senador na si Cayetano lamang ang kaniyang nakausap kaugnay ng transportasyon papasok sa Senate compound. Inamin din ng senador na si Cayetano ang nagsabi sa kaniya na sumakay sa sasakyan.
Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na hindi niya alam kung personal na sasakyan ni Cayetano ang ginamit o kung ito ay inarkila lamang ng opisina nito.
Noong Lunes, kabilang si Dela Rosa sa 13 senador na bumoto para sa pagbabago ng liderato sa Senado na nagresulta sa pagpapatalsik kay dating Senate President Vicente tito Sotto III at pagkahalal kay Cayetano bilang bagong pinuno ng Senado.









