Inihayag ni Senator Juan Miguel Zubiri na isasapuso niya ang sinabi na protektahan ang pamilya.

Nagkaroon ng pagkakataon si Zubiri na makadaupang-palad ang Santo Papa sa kanyang pagbisita kamakailan sa Vatican.

Naganap ang pagkikita ng dalawa sa lingguhan na catechesis at prayers for world peace.

Naipakilala din ni Zubiri ang kanyang pamilya sa Santo Papa, kung saan isa sila sa maraming bisita na nabigyan ng pagkakataon na makatanggap ng basbas ni Pope Francis.

Nasa Europe si Zubiri upang magbakasyon muna mula sa pulitika at magkaroon ng mas mahabang panahon na makapiling ang kanyang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --