TUGUEGARAO CITY-Naghatid ng serbisyo at ayuda ang pinagsanib na pwersa ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), 17th Infantry Battalion Philippine Army at ilang ahensiya ng gobyerno sa Barangay Mabuno, Gattaran matapos ang nangyaring engkwentro sa lugar sa pagitan ng pulisya at makakaliwang grupo noong araw ng Sabado.

Ayon kay police lt. Col. Santos Baldovizo ng Cagayan-PNP, layon ng kanilang aktibidad na maihatid ang serbisyo ng gobyerno sa mga residente ng pitong sitio ng nasabing Barangay.

Ikinasa ng PNP ang kanilang 5-day activity na biyaya sa barangay project kung saan umabot sa 700 pamilya ang napagkalooban ng tulong.

Nagsagawa rin ang grupo ng tree planting activity kung saan 1,500 na iba’t-ibang seedlings ang kanilang naitanim at brigada eskwela kasama ang Technical education schools development authority (TESDA) at local Government unit ng Gattaran.

Isasagawa naman bukas, Agosto 20,2020 ang dental at medical mission ng nasabing grupo.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala,siniguro naman ng militar ang seguridad ng mga residente kasunod nang engkwentro at para maiwasan ang ginagawang pangingikil ng mga NPA.