Muling pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) Cagayan ang lahat ng service at repair shop enterprises sa lalawigan na i-renew ang kanilang accreditation para sa 2025.

Ayon kay Mar Allan ng DTI- Cagayan, ang paghahain ng mga aplikasyon ng accreditation na walang parusa para sa mga service at repair shop na may hawak na certificate of accreditation na nag-expire noong 2024 ay magtatapos sa Enero 31, 2025.

Kainabibilangan ito ng motor vehicles, machine shops, airconditon and refrigeration, office machines at medical equipment.

Sinabi ni Allan na ang mga service at repair shop na hindi magre-renew ng kanilang accreditation ay hindi pinapayagan na magpatuloy sa pagpapatakbo o pagbibigay ng mga serbisyo.

Ang akreditasyon ng mga service at repair shop ay bahagi ng programa ng DTI para magbigay sa mga consumer ng proteksyon na maaaring magbigay sa kanila ng service warranty na hindi bababa sa 90 araw.

-- ADVERTISEMENT --

Pinaalalahanan din ni Allan ang lahat ng repair at service shop na mag-apply at mag-renew ng kanilang accreditation sa DTI upang maiwasan ang posibleng administrative fines na aabot hanggang P5K.