Posibleng magpababa o lumikha ng tsunami ang serye ng lindol sa baybayin ng Ilocos Sur sa nakalipas mga araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa Department of Science and Technology-PHIVOLCS, ang mga lindol, na may kabuuang 49 ay nangyari noong December 17, ng 4:02 a.m.
Ang mga ito ay may preliminary epicenters sa baybayin ng West Philippine Sea, tinatayang 100 kilometers kanluran hilagangkanluran ng bayan ng Santa Catalina.
Ang magnitude ng mga lindol ay mula 1.8 hanggang 5.
Ayon sa PHIVOLCS, ang pinakamalakas na lindol ay noong December 19 ng 9:09 a.m. na magnitude na 5 at may lalim na 27, at naramdaman sa Santa Catalina, Ilocos Sur, at intensity 2.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na ang mga nasabing lindol ay dahil sa paggalaw sa Manila Trench, ang ocean trench sa kanlurang bahagi ng ating bansa na may lalim na hanggang 5,400 meters.