Inaasahang masusundan pa ang pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene sa mga susunod na linggo.

Ito ay dahil sa patuloy na epekto ng geopolitical tensions at pandaigdigang demand sa langis.

Kung maaalala, walong linggo na ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo simula pa noong huling bahagi ng Disyembre 2025.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Asst. Director Rodela Romero — sinabi nitong tali ang kamay ng Pilipinas sa pandaigdigang merkado; at wala rin tayong direktang kontrol sa mga geopolitical tensions gaya na lamang sa Iran at Amerika.

Bagama’t aniya may sapat na suplay sa mundo, nagre-react ang merkado sa mga panganib at tensyon, kaya posibleng magpatuloy ang pagtaas ng presyo.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, patuloy naman ang monitoring at pakikipag-ugnayan sa mga oil companies upang maiwasan ang pang-aabuso sa presyo ng langis.