
Nagtipon-tipon ang isang grupo ng shamans sa baybayin ng Miraflorez district sa Lima, ang kabisera ng Peru noong December 30, 2025 at nagsagawa ng annual ritual kung saan hinuhulaan nila ang ilang kaganapan para sa papasok na taon.
Suot ang traditional na Andean ponchos at heardresses, nagsagawa ng seremonya ang grupo, at nagsabi ng predictions tungkol sa tatahakin ng international relations, sa kasalukuyang hidwaan at ang tadhana ng world leaders.
Sa event ngayong taon, sinabi ng shamans na matatanggal sa puwesto si Venezuelan President Nicolas Maduro, at magpapatuloy ang global conflicts, tulad ng giyera sa Ukraine.
Sinabi ni Shaman Ana Maria Simeon, hiniling nila na bumaba sa kapangyarihan si Maduro, at gumawa ng hakbang si US President Donald Trump na alisin siya sa puwesto.
May magkakahalong record ang grupo sa kanilang annual predictions.
Nitong nakalipas na taon, nagbabala sila na sisiklab ang “nuclear war” sa pagitan ng Israel at Gaza, kung saan umiiral ngayon ang ceasefire.
Subalit noong December 2023, tama ang hula ng grupo na mamamatay si dating Peruvian President Alberto Fujimori, na ikinulong dahil sa pang-aabuso sa karapatang pantao sa loob ng 12 buwan.
Namatay si Fujimori dahil sa sakit na cancer noong September 2024 sa edad na 86.
Bago ang seremonya noong December 30, sama-samang uminom ng hallucinogenic concoctions na mula sa native na halaman – kabilang ng Ayahuasca at San Pedro cactus – na pinaniniwalaan nila na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na mahulaan ang hinaharap.
Sa seremonya, naglalagay sila ng mga kumot at dilaw na mga bulaklak, coca leaves, espada at iba pang bagay sa La Herradura beach, na humihiling ng positive energy para sa Bagong Taon.
Matapos ang pagsasayaw at pagtugtog ng ancestral instruments, hiling ng shamans ang kapayapaan sa Middle East, matapos na ang labanan sa pagitan ng Ukraine at Russia at ang pagbagsak ni Maduro.
Hula din ng shamans na magkakaroon ng natural disasters, tulad ng mga lindol at climatic phenomena ngayong 2026.










